--------------------------- IGLESIA NI CRISTO OFFICIAL WEBSITE ---------------------------

------------------------------- INC MEDIA OFFICIAL WEBSITE ----------------------------

---------------------- KABAYAN KO KAPATID KO OFFICIAL WEBSITE ----------------------

For more questions, info's, and to know more about the doctrines in the Iglesia ni Cristo (Church of Christ) please visit the locale nearest you.

May 31, 2013

Ang Major Religions of the World ay nagmula sa Asya


Ang Major Religions of the World ay ang mga sumusunod:


                                   source                            place founded
Hinduism                4,000-2,500 BCE           India
Judaism                  2,000 BCE                      Levant region
Buddhism               560-490 BCE                 India
Shinto                     500+ BCE                      Japan
Jainism                   420 BCE                         India
Christianity            30+ CE                          Levant region
Islam                     622 CE                            Arabian Peninsula
Sikhism                 1500 CE                          India
Baha'i Faith           1863 CE                         Iran

Chinese folk religions (including Taoism 440 CE and Confucianism 500 BCE)   China

Note: BCE (Before Christ Era)
CE (Christ Era)


Ano napansin niyo?

Nagmula pala ang Major Religions of the World sa ASYA.

Ano pa?

Yung Abrahamic religions: Christianity, Islam, Judaism at Baha'i Faith NAGMULA DIN SA ASYA.

Teka, ano ba yung Abrahamic religions?


"Abrahamic religions (also Abrahamism) are the monotheistic faiths emphasizing and tracing their common origin to Abraham or recognizing a spiritual tradition identified with him." source: wikipedia

Itinatag ng ating Panginoong HesuKristo ang kaniyang Iglesia sa Jerusalem na nasa ASYA. Ang Iglesia noong unang siglo ay kalaunay natalikod.


Sa loob ng CHRISTIANITY, alin ang totoong Iglesiang itinayo ni Kristo?

Ang Roman Catholic Church ba na nagmula sa EUROPA?

Ang Protestantism kaya na nagmula kay Martin Luther na nagmula sa EUROPA DIN?

Ang Iglesia ni Cristo kaya sa Pilipinas na naitayo sa pamamagitan ni Ka Felix Manalo base sa propesiya ng banal na kasulatan, na nagmula ASYA?

Kung ang Major Religions of the World, lalo na ang Christianity o ang Iglesiang itinayo ni Kristo sa Jerusalem ay nasa ASYA, saan kaya naroon ang TUNAY na Iglesiang itinayo ni Kristo? Sa Amerika, Sa Europa o sa ASYA?
 

ANONG SA TINGIN NIYO?


Bakit hindi kilala ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo?

Isa sa mga batikos ito ng mga kumakaaway sa Iglesia, partikular na ni Catholicdefender2000, ang sabi nila, ang mga miyembro nyo naman halos lahat PILIPINO!

Tapos icoconclude nila na ang Iglesia ni Cristo daw ay para lang sa mga PILIPINO.

Sabi pa ni CD2000, 99.9% ng miyembro nyo PILIPINO, sa Pilipinas lang kilala ang Iglesia nyo!

Exsaherado man, walang basehan at isa lamang kalokohan ang figures na sinabi ni CD2000, kung iisipin natin, may punto naman siya kahit papaano.

May 30, 2013

Si Kristo ba ay Diyos na nagkatawang tao ayon sa Hebreo 10:5?

Ayon sa PAGKAKAINTINDI o sariling pagkaintindi ng mga naniniwalang Diyos si Kristo na may pre-existence, si Kristo daw ay ipinaghanda ng Diyos ng katawan, kaya siya ay Diyos na nagkatawang tao.

Pero ang dating naman sa akin nung sinasabi nila eh parang pinapalabas nila na ang Diyos (ang AMA) ay naghanda o gumawa ng katawan para kay Kristo, at nung oras na para bumaba ni Kristo (na nag-eexist na daw) ay sasanib siya doon sa katawan na inihanda ng Diyos para sa kaniya.

Ganun nga ba ang nangyari?

Sumanib ba siya sa isang katawang tao o IPINANGANAK SIYANG TAO?

Kung siya ay Diyos na nagkatawang tao, na nag eexist na bago pa gawin ang mundo, bakit kailangan pa niyang ipanganak sa pamamagitan ni Maria? Bakit pa niya kailangang maranasan ang pagiging sanggol eh pwede naman siyang sumanib sa katawan ng tao? o sa katawan ng tao na inihanda daw ng Diyos para sa kaniya?

May 22, 2013

Iglesia ni Cristo in Tenali, India




"Brother Srinivasu Rao ''Vasu'' Vankamanidi, a Protestant Pastor, and twelve others in the town of Tenali India were baptised in the Church recently this February 2013."


May 20, 2013

Catholic vote = 1 million votes

Sa aking sariling pagkaka analisa ng mga boto, sa sinasabing ang 80% ng populasyon ay mga Katoliko sa Pilipinas, ang kanilang "Catholic vote" ay wala pang 1 million!

Paano ko nasabi?

Mamaya ang sagot. Kayo na ang humusga^^

Bago natin puntahan yan, ito nga pala ang inendorse ng "White Vote Movement" isang kilusan ng pinagsama-samang ibat-ibang catholic groups sa bansa kasama na ang El Shaddai:
Ejercito
Mitos Magsaysay
Pimentel 
Trillanes
Villar
Llasos
Binay
Zubiri
Gordon
Honasan

Ang Couples for Christ naman na isa ring Catholic group ay sinuportahan ang nasa listahan ng White Vote Movement, ngunit dinagdagan ng 2 pa:

David
Delos Reyes

Ang El Shaddai naman ni Mr. Velarde, sinuportahan din ang nasa listahan ng White Vote Movement, pero nagdagdag din ng 2:

Aquino
Jun Magsaysay

Dito pa lang pinapakita na nila na WALA SILANG KAISAHAN sa IEENDORSO, paano pa kaya ang pagKAKAISA sa ibobotong ANTI-RH senatorial candidates?

May 9, 2013

Ang kapalit ng pag-endorso ng Iglesia ni Cristo

Ano-ano ang mga kapalit ng pagsuporta o para sa ilan ay "pag-endorso" ng Iglesia ni Cristo sa mga pulitikong kumakandidato?
 
Meron ba o wala?

Ano ba talaga ang KATOTOHANAN?





Marahil ay meron pa ring magpupumilit ng kanilang SARILING OPINYON. Pero kahit ipilit nyo yan ng 1 milyong beses, MANANAIG at MANANAIG pa rin po ang KATOTOHANAN. 


Kapag ba sinuportahan ng Iglesia ni Cristo siguradong mananalo?

Hindi ko alam kung bakit napakalaking issue sa mga di kaanib ang PAGKAKAISA sa pagboto ng Iglesia ni Cristo. At hindi ko rin alam kung bakit kailangan nilang ipagduldulan na pinapaulit ulit na sinasabi na may mga sinuportahan ang Iglesia na hindi naman nanalo.

Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman kaming aral, doktrina o pagcclaim kapag nilabas na ang listahan ng mga susuportahan ng INC, na kapag pinagkaisahan namin silang iboto ay SURE NA SURE SILANG MANANALO.

Paano magiging SURE NA SURE na mananalo sila eh ayon sa Philippine census, ang populasyon ng Pilipinas noong 2010 ay 76, 504,077. Ayon din sa nasabing census, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noong 2010 ay 2.3% o 1,759,593.8 lamang.

Isip isipin naman natin yon. Isip isipin din natin kung NANGANGAKO ba ang Iglesia ni Cristo na kung ang susuportahan nilang mga kumakandidato ay SIGURADONG MANANALO.

May 7, 2013

Si Kristo ba ang "karunungan" sa Kawikaan 8:22-30?

May nag-email sa aking kapatid tungkol sa paliwanag sa Kawikaan 8:22-30 na nagsasabi ng ganito:
"Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.
Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya;"  

Itong mga talata daw na ito sa bibliya ay katunayan na DIYOS si Kristo at may PRE-EXISTENCE si KRISTO. Pero ang isang matinding tanong, SI KRISTO BA ANG "KARUNUNGAN" na ito?

Kung may kapatid na nasumpungan sa pagsuway

Ano bang dapat gawin sa kapatid na nasumpungan sa pagsuway? nasa maling pamumuhay? nasa masasamang gawa?

Dapat ba silang kamuhian? Dapat i-discriminate? 

Hindi na dapat itinuturing na kapatid? Hindi na dapat binabati o kinakausap?

Isa sa mga katuruan sa Iglesia ni Cristo ang tungkol sa pag-iibigang magkakapatid, dapat hindi nagkakapootan, dapat nagtutulungan, at nagdadamayan. Pero paano kung nakita sa pagsuway o sa paggawa ng kasalanan ang isang kapatid? Ano ang dapat gawin?

May 6, 2013

Is Christ the "God" who is overall in Romans 9:5?

Christ is God believers believes that Romans 9:5 is a proof that he is indeed God.

This is what different bible translations says:


New International Version (©2011)
Theirs are the patriarchs, and from them is traced the human ancestry of the Messiah, who is God over all, forever praised! Amen.
New Living Translation (©2007)
Abraham, Isaac, and Jacob are their ancestors, and Christ himself was an Israelite as far as his human nature is concerned. And he is God, the one who rules over everything and is worthy of eternal praise! Amen.
English Standard Version (©2001)
To them belong the patriarchs, and from their race, according to the flesh, is the Christ who is God over all, blessed forever. Amen.
New American Standard Bible (©1995)
whose are the fathers, and from whom is the Christ according to the flesh, who is over all, God blessed forever. Amen.
King James Bible (Cambridge Ed.)
Whose are the fathers, and of whom as concerning the flesh Christ came, who is over all, God blessed for ever. Amen.
Holman Christian Standard Bible (©2009)
The ancestors are theirs, and from them, by physical descent, came the Messiah, who is God over all, praised forever. Amen.
International Standard Version (©2012)
To the Israelis belong the patriarchs, and from them, the Messiah descended, who is God over all, the one who is forever blessed. Amen.
NET Bible (©2006)
To them belong the patriarchs, and from them, by human descent, came the Christ, who is God over all, blessed forever! Amen.
Aramaic Bible in Plain English (©2010)
And the Patriarchs; and from them The Messiah appeared in the flesh, who is The God Who is over all, to Whom are praises and blessings to the eternity of eternities, amen.
GOD'S WORD® Translation (©1995)
The Messiah is descended from their ancestors according to his human nature. The Messiah is God over everything, forever blessed. Amen.
King James 2000 Bible (©2003)
Whose are the fathers, and of whom as concerning the flesh Christ came, who is over all, God blessed forever. Amen.
American King James Version
Whose are the fathers, and of whom as concerning the flesh Christ came, who is over all, God blessed for ever. Amen.
American Standard Version
whose are the fathers, and of whom is Christ as concerning the flesh, who is over all, God blessed for ever. Amen.
Douay-Rheims Bible
Whose are the fathers, and of whom is Christ, according to the flesh, who is over all things, God blessed for ever. Amen.
Darby Bible Translation
whose are the fathers; and of whom, as according to flesh, is the Christ, who is over all, God blessed for ever. Amen.
English Revised Version
whose are the fathers, and of whom is Christ as concerning the flesh, who is over all, God blessed for ever. Amen.
Webster's Bible Translation
Whose are the fathers, and from whom according to the flesh, Christ came, who is over all, God blessed for ever. Amen.
Weymouth New Testament
To them the Patriarchs belong, and from them in respect of His human lineage came the Christ, who is exalted above all, God blessed throughout the Ages. Amen.
World English Bible
of whom are the fathers, and from whom is Christ as concerning the flesh, who is over all, God, blessed forever. Amen.
Young's Literal Translation
whose are the fathers, and of whom is the Christ, according to the flesh, who is over all, God blessed to the ages. Amen.


source: bible.cc

The question is, are those bible translations that refer to Christ as the "GOD" who is over all that should be blessed forever, CORRECT?

If we will accept the understanding that it is Christ who is the "GOD" based on this verse, doesnt it CONTRADICT other verses?

Does Apostle Paul really recognize Christ as GOD? 

Kaunting boto ng Iglesia ni Cristo sa Alagad Partylist?

Eleksyon na naman, at kapag nababanggit ang Iglesia ni Cristo ng karamihan, kasinungalingan ang maririnig mo.

Pang-aasar nila: MAGKANO? Pera-pera lang naman yan eh!

pag nag reak ang isang myembro ng Iglesia ni Cristo, ang ibabanat nila: Eh totoo naman eh!

Totoo? 

Nagbago na ba ang depinisyon ng TOTOO ngayon?

May 5, 2013

Si Kristo ay Tao at ang Ama ang tunay na Diyos ayon sa bibliya

(Sa wakas at makakapagpost na naman ako, ang dami kong gustong ipost kaso wala kong pang internet, lalo na ngayon, bakasyon, walang pasok, alam na ^^)

Nang mabasa ko ang New Testament sa pangalawang pagkakataon (ngayon lang bakasyon^^) nagulat ako dahil hindi lang pala isa, lima o sampu ang mga talata sa bibliya ang nagsasabi at nagpapatunay na si Kristo ay kinilala bilang TAO at hindi Diyos ng kanyang mga alagad, mga apostol at mga tao noong 1st century, ganoon din sa pagkilala sa Ama bilang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Binasa ko ang New Testament at mas naintindihan dahil habang nagbabasa ako ay nagtatakedown notes ako, at totoo nga, WALA NGANG TALATA SA BIBLIYA NA SINABI NI KRISTONG SIYA AY DIYOS o kaya naman ay ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang isa sa mga Diyos sa Trinity. Hindi ko ito sinasabi dahil lang Iglesia ni Cristo ako kundi dahil binasa ko ang New Testament at talagang WALA.